Connect with us

Abella, nakiusap na ‘wag iugnay ang SMNI sa legal na usapin ni Pastor Quiboloy

Abella, nakiusap na ‘wag iugnay ang SMNI sa legal na usapin ni Pastor Quiboloy

National News

Abella, nakiusap na ‘wag iugnay ang SMNI sa legal na usapin ni Pastor Quiboloy

Huwag idamay ang Sonshine Media Network International (SMNI) sa mga legal battles ni Pastor Apollo C. Quiboloy.

Ito ang hiling ni presidential candidate former Foreign Affairs Secretary Ernesto Abella Jr. sa publiko at sa kanyang kapwa kandidato.

Napansin ng kandidato ang tila pang-iinsulto ng marami sa SMNI bilang isang media entity.

Aniya, hindi ito dapat na kwestiyunin habang nasa ilalim tayo ng demokrasya at sa pag-usbong ng broadcast industry sa bansa kasama na ang SMNI.

Giit ni Abella, dapat ihiwalay aniya ang mga aktibidad ng SMNI mula kay Pastor Apollo C. Quiboloy dahil aniya may sarili naman itong presidenteng sinusuportahan.

Sa katunayan, aminado si Abella na naiangat pa ng SMNI ang lebel ng diskurso o debate sa bansa matapos ang matagumpay na SMNI Presidential Debates nito noong Martes, Pebrero 15.

Isa si Abella sa 4 na dumalong presidential aspirants at naglahad ng kanyang plataporma kung papalarin bilang susunod na pangulo ng bansa.

More in National News

Latest News

To Top