Connect with us

Abot-kayang gasolina, handog ng Cleanfuel at Go Traktora para sa mga magsasaka

Abot-kayang gasolina, handog ng Cleanfuel at Go Traktora para sa mga magsasaka

National News

Abot-kayang gasolina, handog ng Cleanfuel at Go Traktora para sa mga magsasaka

Patuloy ang pagmahal ng mga bilihin sa merkado ngayon.

Idagdag pa diyan ang pagtaas din ng singil sa kuryente at produktong petrolyo.

Kaya ang mga motorista, tiyagaan sa paghahanap ng abot-kayang gasolinahan para kahit pa sentimos lang ang mabawas sa kada litro – ay nakatipid pa rin.

Ang Cleanfuel – numero 1 nag-aalok ng abot-kaya pero de kalidad pa ring produktong petrolyo.

At hindi lang natatapos sa mga motorista ang serbisyong hatid ng Cleanfuel dahil ang lahat ng sektor, apektado sa pagsirit ng mga bilihin sa merkado tulad nalang ng mga magsasaka.

Sa pagpasok ng makabagong teknolohiya, ang traktora na nga ang maituturing na sanggang-dikit ng mga magsasaka.

Gamit nila ito para mapabilis ang kanilang pagtatrabaho sa bukid.

Nito lamang lunes, May 20, 2024, isang kasunduan ang isinagawa sa pagitan ng kumpanyang Cleanfuel at Go Traktora.

Ibig sabihin dito, ang mga miyembro at mga tagapag-tangkilik ng produkto ng Go Traktora ay bibigyan ng discount card mula sa Cleanfuel.

2 pisong diskwento sa mga gumagamit ng diesel, habang tig-3 piso naman sa premium 95 at clean 91.

Parehong nagkasundo ang Cleanfuel at Go Traktora na tulungang pagaanin ang buhay ng ating mga magsasaka sa pagbibigay ng diskwento sa kanilang mga bibilhing gasolina.

” Usually, mga farmers, ‘yan ‘yung mga walang pera pambili ng equipment and they are having a hard time operating ‘yung mga tractors nila because that is an additional cost. So, having that in mind, sabi ko let’s come up with the partnership , we’ll provide them your costumers with the discounts in diesel and gasoline. Simulan natin doon and then let’s see  how it goes. If it we see that its helping that particular sector then we can extend further discount pa, a bigger discounts pa with them.

This is the first in the industry na a tractor distributor partnered with a fuel company. Definitely, this is our initiative to really empower our farmer the agriculture sector. I am seeing that, itong mga ginagawa natin, definitely it will also encourage ‘yung government sector that they will see a mayroon nang private companies and sector who is willing to help us in the agric sector and it will open opportunities for the agri sector na maisip nila na mayroon nang private sector na tumutulong, im really optimistic na yung govenrment sector will also take their part of this initiative

“now itong mga farmers natin, to think na hirap magtanim sa ilalim ng init ng araw. So, dahil tinutulungan nila ang sarili nila, gusto din natin na tulungan sila by providing them a cheaper fuel which they could use for their machineries, that way, ‘yung taong mga tinutulungan natin nakikita natin na worth silang tulungan because they’re doing something for themselves

“‘yan ‘yung pinakaconcern nila na kahit na kailangan pa nilang magdagdag ng machineries sa operation nila, parang nagdadalawang isip sila dahil ang taas ng fuel price. Because of  this partnership definitely it will also enrcourage them na kapag naecourage sila na mafully mechanized yung farming operation nila definitely magiging efficient, magigng productive yung farm operation nila.”

Para sa cleanfuel, makasaysayan ang bawat hakbang na kanilang ginagawa para makatulong sa ordinaryong pilipino.

Asahan rin daw ang mas pinahusay at pinalawak pa nilang paghahatid-serbisyo para maabot ang ibat’ ibang lugar sa bansa.

“The support that weve been getting from the motorists has never waived, tuluy tuloy ‘yan, this allowed us to grow and this also is the reason why we continously strive to source quality fuel for less and this also the reason why we make sure na sa mga pump natin na pagka bumili ng sampung litro ‘yung costumer, sampung litro ng gasolina o dieasel ang ankukuha nila na pagkasinabi na 95 octane yan na gasolina, the octane level will never go below 95. It can be higher but not below 95.”

More in National News

Latest News

To Top