Connect with us

ABS-CBN, dapat ayusin ang pagkakamali – Rep. Marcoleta

ABS-CBN, dapat ayusin ang pagkakamali – Rep. Marcoleta

National News

ABS-CBN, dapat ayusin ang pagkakamali – Rep. Marcoleta

Sa halip na umasang maibabalik ang kanilang prangkisa, dapat pagsisihan ng ABS-CBN ang kanilang kasalanan at bayaran ang kanilang pagkakautang sa gobyerno.

Ito ang inihayag ni senatorial candidate at House Deputy Speaker Rodante Marcoleta sa panayam ng Sonshine Radio.

Giit ni Marcoleta, hindi na dapat magbanta pa ang ABS-CBN na makukuha muli ang kanilang prangkisa kapag mananalo ang kanilang mga kakamping kandidato.

Binigyang-diin din ni Marcoleta na hindi siya at ang kanilang mga kasamahan sa kongreso ang sisihin sa pagkakawala ng prangkisa ng kapamilya network dahil ginawa lang nila ang kanilang trabaho.

Matatandaan na umabot naman sa 70 mambabatas sa mababang kapulungan ang pumabor na hindi bigyan ng prangkisa ang ABS-CBN dahil sa mga naitalang paglabag ng network.

Tuluyan namang nawala sa ere ang ABS-CBN noong May 5, 2020 matapos ma-expire ang prangkisa nito.

More in National News

Latest News

To Top