National News
ABS-CBN, ‘di na makukuhang muli ang Channel 2- franchise expert
Hindi na makukuhang muli ng ABS-CBN ang kanilang dating frequency kung mapagkakalooban sila ng prangkisa.
Inihayag ni Franchise Lawyer Atty. Rolex Suplico sa panayam ng Sonshine radio, wala nang babalikan ang ABS-CBN dahil binigay na ang frequency na Channel 2 sa Advance Media Broadcasting System, Inc. na pagmamay-ari ng Pamilya Villar.
Sinabi pa ni Suplico na pwede sila (ABS-CBN) mag-blocktime sa Advance Media Broadcasting System, Inc., pero limited time nalang.
Ipinunto pa nito na ang frequency ay pagmamay-ari ng estado at babawiin din nito kapag nag-expire na ang naibigay na prangkisa.
Kaugnay nito, sinabi ni Suplico na ang ibinigay na frequency na Channel 2 ay magtatagal lamang hanggang 18 buwan dahil lahat ng provision authority na inisyu ng National Telecommunications Commission (NTC) at meron nang warning na analog shut off (ASO).
Ibig sabihin ma-migrate lahat ang analog TV sa digital TV.