National News
ABS-CBN, magiging pirate station kung itutuloy ang kanilang operasyon
Maituturing na isang pirate station ang ABS-CBN kung itutuloy nila ang kanilang operasyon kahit walang prangkisa.
Ito ang iginiit ni Atty. Rolex Suplico, isang franchise lawyer sa naging panayam ng SMNI news.
Ayon kay Suplico, opisyal na mapapaso sa May 4 ang prangkisa ng ABS-CBN at hindi sa Marso 30.
Aniya, nakasaad sa mapapasong franchise ng giant network na inihain noong Marso 30, 1995, na ang effectivity ng prangkisa ay magiging opisyal lamang matapos ang 15 araw na ma-publish ito.
Sinabi ni Suplico na maaari naman humingi ang ABS-CBN ng provisional authority sa National Telecommunications Commission (NTC) pero babagsak din ito kung walang bagong prangkisa.
Tahasan pang sinabi ni Suplico na wala na talagang pag-asang mapasa pa ang franchise bill ang ABS-CBN dahil kung pagbabasehan ang timetable ng kamara ay kulang na ito sa oras.
