Connect with us

ABS-CBN, pinagmumulta ng P1.9 trillion dahil sa pagbebenta ng TV plus

Hindi na makukuhang muli ng ABS-CBN ang kanilang dating frequency kung mapagkakalooban sila ng prangkisa.Inihayag ni Franchise Lawyer Atty. Rolex Suplico

National News

ABS-CBN, pinagmumulta ng P1.9 trillion dahil sa pagbebenta ng TV plus

Pinagmumulta ni Deputy House Speaker Rodante Marcoleta ng mahigit P1 trilyong ang ABS-CBN matapos matuklasan na iligal ang pagbebenta nito sa kanilang TV plus.

Sa panayam sa SMNI News, iginiit ni Marcoleta na walang pahintulot sa National Telecommunications Commission (NTC) ang pagbebenta ng TV plus.

Sinabi pa ng mambabatas na walang karapatan na maningil ng bayad ang ABS-CBN dahil free- to- air channel ang gamit nilang prangkisa.

Iligal din aniya ang pagbabayad ng ABS-CBN sa airing nito noong May 3, 2015 mega fight  nina Senator Manny Pacquiao at Floyd Mayweather Jr.

Naniniwala naman si Marcoleta na kayang bayaran ng ABS-CBN ang penalty na maaring ipataw ng NTC.

Nanawagan naman ito sa NTC na aksyunan ang mga paglabag na ginawa ng ABS-CBN.

Kaugnay nito, iginiit pa ni Marcoleta na maninindigan ang Kamara sa naging desisyon nila sa pagbasura ng prangkisa ng ABS-CBN sa kabila ng samu’t-saring pambabatikos.

Sinabi pang nasa taumbayan na kung ano ang kanilang iisipin dahil matibay ang natuklasan nilang ebidensya.

Aniya, “Hindi po kami magiging pikit-mata na payagan na lamang po namin ang napakaraming paglabag at bibigyan na namin sila ng prangkisa na aabot ng 25 years – para ulitin na naman ang kanilang ginawa.”

Panawagan naman ni marcoleta sa mga sumusuporta sa ABS-CBN na tanggapin na nila na may umiiral na batas at huwag personalin ang nangyari.

“Sa mga nagsisimpatiya sa ABS-CBN, sana ay hanapin po ninyo sa puso ni’yo ang katotohanan na hindi po puwedeng hindi kayo magpailalim sa batas. Ang batas po ay ginawa ng pamahalaan para sa kapakanan ng kaniyang higit na nakakaraming kaniyang mamamayan. At kung kayo po ay mamemersonal, wala po kaming magagawa diyan. Iyan po ay karapatan ninyo, mang-atake sa amin. Pero naniniwala kami na mas marami at higit na marami ang Pilipino na naniniwala sa pinaglaban namin. Pagka’t ito’y para sa kanila at para sa ikakatatag ng ating pamahalaan”, paliwanag ng kongresista.

 

 

More in National News

Latest News

To Top