Connect with us

ABS-CBN, pinasalamatan ng Palasyo sa serbisyo sa taumbayan

Inilahad ni Atty. Larry Gadon ang  bagong istilo ngayon ng panloloko ng ABS-CBN sa taumbayan.

National News

ABS-CBN, pinasalamatan ng Palasyo sa serbisyo sa taumbayan

Pinasalamatan ng Palasyo ang ambag ng ABS-CBN sa pagbibigay serbisyo sa taumbayan sa nakalipas na mga dekada.

Ngunit kasabay nito ay iginiit ni Presidential spokesperson Sex. Harry Roque na ang pagpapahinto ng operasyon ng Kapamilya Network ay desisyon ng National Telecommunications Commission (NTC).

Kasunod na rin ito ng nakita ng Komisyon na hindi na dapat mag-operate pa ang naturang giant network;  dahil sa kawalan ng legislative franchise.

“The Palace notes that the National Telecommunications Commission (NTC) has issued a Cease and Desist Order against ABS-CBN Broadcasting Corporation for lack of a valid legislative franchise.” saad ni Roque.

Binigyang diin din ni Roque na malayang gawin ang lahat ng ABS-CBN ang anumang mga legal na hakbangin hinggil rito

“ABS-CBN is free to exhaust all legal remedies available to it,” dagdag pa ni Roque.

Muli rin nitong binigyang linaw na nasa kamay ng Kongreso ang kapalaran ng ABS-CBN; ito ay sa pamamagitan na rin ng pagpasa ng broadcast franchise.

“President Rodrigo Roa Duterte, as a matter of record, accepted the apology of the network and left its fate to both houses of Congress. Let the public be informed that broadcast franchises are within the authority of Congress. It has discretion on what to do with the legislative franchise of ABS-CBN and other broadcasting companies similarly situated,” paliwanag pa ng kalihim.

“We thank the network for its services to the Filipino nation and people especially in this time of COVID-19. But in the absence of a legislative franchise, as we have earlier said, ABS-CBN’s continued operation is entirely with the NTC’s decision.” pagtatapos pa nito.

More in National News

Latest News

To Top