Connect with us

ABS-CBN-TV5 merger, walang problema kung content-provider lang ang Kapamilya network

Walang problema aniya kung content-provider o content creator lang ang ABS-CBN sa TV5. Ito ang sinabi ni Rep. Dan Fernandez

National News

ABS-CBN-TV5 merger, walang problema kung content-provider lang ang Kapamilya network

Walang problema aniya kung content-provider o content creator lang ang ABS-CBN sa TV5.

Ito ang sinabi ni Sta. Rosa, Laguna Lone District Rep. Dan Fernandez sa panayam ng sonshine Radio sa isyu ng ABS-CBN at TV5 merger.

Dapat din aniyang silipin kung may nalabag o kaya’y nasagasaan sa batas ang pagsasanib pwersa ng ABS-CBN at TV5.

Sinabi rin ng mambabatas na nasa grey area ang ABS-CBN kaya kailangan din itong silipin kung nage-exist pa ba itong isang network dahil napupunta ito sa ibang network at sa mga cable.

Samantala, una namang inihayag ni Sagip Party List Rep. Rodante Marcoleta na dapat magkaroon muna ng closure sa mga naunang violations ang ABS-CBN bago ito mabigyan ng anumang panibagong uri ng oportunidad para makapag-broadcast.

Continue Reading
You may also like...

More in National News

Latest News

To Top