National News
Absentee voting, magsisimula na ngayong araw
Magsisimula na ngayong araw, April 28, 2025 ang Local Absentee Voting (LAV).
Sinabi ng Commission on Elections (COMELEC), tanging senatorial candidates at party lists lang ang maaaring iboto ng mga kalahok sa absentee voting.
Sa record ng poll body, 57,689 ang kabuoang bilang ng mga aprubadong absentee voter.
Kabilang dito ang 29,030 na mga miyembro ng Armed Forces of the Philippines (AFP); 23,448 mula sa Philippine National Police (PNP); 4,206 mula sa iba’t ibang ahensya ng gobyerno; at 1,005 mula sa hanay ng media.
Magtatapos ang LAV sa April 30.
