International News
Abu Dhabi malls, nagpatupad ng mga hakbang laban sa COVID-19
Para matiyak ang kaligtasan ng publiko sa banta na dulot ng outbreak ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) ay nagpatupad ng mas pinaigting na precautionary measures ang mga mall sa Abu Dhabi.
Nagpakabit ng mga thermal scanners sa mga entry points at nagsagawa ng disinfection sa mga trolleys ang mga mall sa nasabing bansa.
Maging mga hand sanitizing units ay ipinakalat na din sa loob ng mall at nagpatupad ng madalas na paglilinis sa mga air filters.
Mahigpit din na ipinag-uutos sa mga empleyado na huwag magkaroon ng physical contact sa mga mall goer maging ang handshakes ay ipinagbabawal din.
Mas pinaigting pa ang isinasagawang paglilinis at sanitizing sa mga pasilidad ng mall lalong-lalo na ang mga lugar na dinarayo ng maraming tao.
Ulat ni: Renyl Reyes
