Regional
Abu Sayyaf leader, nasawi sa nangyaring engkwentro sa Tawi-Tawi
Isang Sub-leader ng grupong Abu Sayyaf ang nasawi sa ginawang counter-terrorism ng mga otoridad sa Tawi-Tawi.
Magsisilbi ng warrant of arrest ang Philippine National Police Special Action Force (PNP-SAF), Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) kay Udon Hasim sub-leader ng Abu Sayyaf sa Brgy Lahay-lahay, Tamdubas, Tawi-tawi ngunit nanlaban ito.
Umabot ng 30 minuto ang palitan ng putok sa pagitan ng mga terorista at tropa ng pamahalaan na nagresulta sa pagkamatay ni Hasim na sinasabing wanted sa four-counts of frustrated murder at 17 counts ng murder.
Nakuha sa pinangyarihan ng operasyon ang ilang plastic sachet ng shabu, M14 rifle, 1 M16, sari-sari bala at magazines para sa M14 at M16 at bandolier.
Dinala na sa Tandubas Health Unit ang labi ni Hasim habang ang 1 kasamahan nito na nasugatan ay nagpapagaling na sa Ciudad Medical Zamboanga.
