Connect with us

Active cases ng COVID-19 sa PNP, halos 3,000 na

Mula 9 kahapon, bumaba sa 7 ang aktibong kaso ng COVID-19 sa Philippine National Police (PNP) bunsod ng mataas na recovery rate.

National News

Active cases ng COVID-19 sa PNP, halos 3,000 na

Patuloy ang pagsirit ng kaso ng COVID-19 sa Philippine National Police (PNP).

Sa ulat ng PNP Health Service ngayong Miyerkules, Enero 12, 2022, nakapagtala ng 444 new cases kaya’t umabot na sa 44,317 ang total confirmed cases ng coronavirus sa pulisya.

Habang 2,843 ang aktibong kaso o mga nagpapagaling sa virus.

Malapit na nitong maabot ang 3,000 aktibong kaso na pinakamataas na naitala sa pulisya dahil sa Delta variant noong isang taon.

Samantala, umabot na sa 41,349 ang mga gumaling sa sakit matapos madagdagan ng 12 new recoveries.

Nananatili naman sa 125 ang mga binawian ng buhay dahil sa COVID-19.

More in National News

Latest News

To Top