Connect with us

Active cases ng COVID-19 sa PNP, nadagdagan pa

Umakyat na sa 14 ang aktibong kaso ng COVID-19 sa hanay ng pulisya. Sa datos ng PNP Health Service ngayong Martes, Hunyo 28, 2022,

National News

Active cases ng COVID-19 sa PNP, nadagdagan pa

Umakyat na sa 14 ang aktibong kaso ng COVID-19 sa hanay ng pulisya.

Sa datos ng PNP Health Service ngayong Martes, Hunyo 28, 2022, nakapagtala ng 6 na bagong kaso kaya’t umabot na sa 48,895 ang mga tinamaan ng coronavirus sa PNP.

Habang umabot na sa 48,752 ang mga nakarekober matapos madagdagan ng isang bagong gumaling sa sakit.

Nananatili naman sa 129 ang mga binawian ng buhay sa pulisya.

Samantala, umabot na sa 222,879 o 98.68 % ang nabigyan ng booster shot sa PNP bilang karagdagang proteksyon laban sa COVID-19.

More in National News

Latest News

To Top