National News
Active mpox cases sa bansa, nasa 15 na
Nasa 15 na ang active cases ng mpox sa bansa ayon sa Department of Health (DOH).
Batay ito sa datos hanggang Miyerkules, Setyembre 11, 2024.
Sa 15 ay isa lang ang babaeng pasyente.
Madalas rin sa mga pasyente ay mula sa National Capital Region (NCR).
Tatlo lang ang mula sa CALABARZON (Cavite, Laguna, Batangas, Rizal, at Quezon) at isa sa Cagayan Valley.
Muli namang sinabi ng DOH na hindi dapat ikabahala ng publiko ang naitatalang mpox cases sa bansa dahil hindi ito naililipat kung walang skin-to-skin contact.
Para maiwasan, huwag lang anilang kalimutan ang palaging paghuhugas ng kamay, paggamit ng alcohol sanitizers at pagsusuot ng long-sleeved na mga damit para maprotektahan ang balat sa mga pampublikong lugar.