Connect with us

Administrasyong Marcos, hinikayat na bilisan ang paghirang ng bagong kalihim ng DOH

Administrasyong Marcos, hinikayat na bilisan ang paghirang ng bagong kalihim ng DOH

National News

Administrasyong Marcos, hinikayat na bilisan ang paghirang ng bagong kalihim ng DOH

Hinikayat ng dating adviser ng National Task Force Against COVID-19 na si Dr. Anthony “Tony” Leachon si Pang. Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na pumili na ng bagong kalihim ng Department of Health (DOH).

Ani Dr. Leachon, ito ay dahil importante ang role nito sa gitna ng pandmeya.

Dagdag pa ni Leachon, ang susunod na kalihim ang in-charge sa paglatag ng operational details para maabot ng bansa ang 70% COVID-19 booster rate sa unang 100 araw ng Administrasyong Marcos.

Saad pa nito, sa unang 100 na araw ng Marcos, dapat matukoy kung unti-unti na bang magbubukas ang ekonomiya at alisin ang ilang mga health protocol kontra COVID-19.

Payo naman ni Leachon, dapat may administrative at managerial skills and susunod na kalihim ng DOH at dapat may sense of urgency, vision, at epektibong pamumuno.

Ayon naman sa DOH, tuloy ang trabaho ng mga empleyado ng kagawaran habang walang pang naitatalang bagong kalihim ng DOH.

More in National News

Latest News

To Top