Connect with us

Administrasyong Marcos, ipagpapatuloy ang pagsusuot ng face mask

Ipagpapatuloy ng President-elect Ferdinang 'Bongbong' Marcos Jr. ang patakaran sa pagsusuot ng face mask.

National News

Administrasyong Marcos, ipagpapatuloy ang pagsusuot ng face mask

Ipagpapatuloy ng President-elect Ferdinang ‘Bongbong’ Marcos Jr. ang patakaran sa pagsusuot ng face mask.

Hinihikayat din ni PBBM ang mga Pilipino na patuloy na sumunod sa mga health protocol kontra COVID-19.

Ito ang paalala ni Bongbong Marcos sa gitna ng babala ng Department of Health (DOH) na puwede pang tumaas ang bilang ng mga malalang kaso ng COVID-19 sa buwan ng Agosto dahil sa bumababang immunity habang tumatagal ang bakuna sa katawan ng tao at hindi pagtupad ng iba sa public health standards.

Dagdag pa nito ang pagsunod sa minimum public health standards ay para rin sa kaligtasan ng iyong pamilya o kasama sa bahay.

Epektibo rin ito aniya upang hindi na muling magkaroon ng surge na makaaapekto sa ekonomiya.

Pinayuhan rin ng susunod na pangulo ang mga Pilipino na magpaturok na ng booster shot.

More in National News

Latest News

To Top