Connect with us

AFP at PNP, binalewala ang panawagan ni Rep. Alvarez

AFP at PNP, binalewala ang panawagan ni Rep. Alvarez

National News

AFP at PNP, binalewala ang panawagan ni Rep. Alvarez

Binalewala ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine National Police (PNP) ang panawagan ni Davao del Norte 1st District Rep. Pantaleon Alvarez na ihinto na ang suporta nila para kay Pangulong Bongbong Marcos Jr.

Ayon kay AFP Chief Gen. Romeo Brawner, mananatiling isang professional organization ang kanilang hanay at patuloy na susundin ang mandato nito na protektahan ang konstitusyon at ang lahat na mga opisyal o may otoridad.

Ang PNP naman ayon kay Spokesperson Jean Fajardo, mananatili rin ang kanilang katapatan sa konstitusyon at sa mga Pilipino.

Matatandaang hinikayat ni Alvarez ang PNP at AFP na huwag nang suportahan si PBBM upang mapilitan itong bumaba sa puwesto.

Nag-ugat naman ang panghihikayat na ito sa isyu ng Pilipinas at China sa West Philippine Sea (WPS) na kung hindi maresolba ay pinaniniwalaang magreresulta ng digmaan.

More in National News

Latest News

To Top