Connect with us

AFP at PNP, pormal nang kinilala ng COMELEC bilang kabahagi ngayong halalan

AFP at PNP, pormal nang kinilala ng COMELEC bilang kabahagi ngayong halalan

National News

AFP at PNP, pormal nang kinilala ng COMELEC bilang kabahagi ngayong halalan

Pormal nang kabahagi ang Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine National Police (PNP) sa pagtitiyak ng kaligtasan ngayong halalan.

Kinumpirma ito ng Commission on Elections (COMELEC) sa pamamagitan ng isang resolusyon.

Sa ilalim sa naturang solusyon, titiyakin ng AFP at PNP ang kaligtasan sa polling centers, canvassing centers at iba pang pasilidad na may ginagamit para sa halalan.

Bibigyan din nito ng seguridad ang COMELEC personnel at iba pang indibidwal na may katungkulan sa pagsasagawa ng halalan.

Maaari din nitong ipagamit ang kanilang land, air, water assets, communication systems at iba pang kagamitan.

Tutulong din ang mga ito na magmatyag laban sa mga armadong grupo na posibleng maghatid ng panganib, magiging escort sa mga kandidato, at pagpatutupad ng mga panuntunang inilatag ng comelec gaya ng gun ban.

Obligado din silang magbigay ng reports hinggil sa pagpapatupad ng naturang mandato sa kanilang hanay.

Epektibo ang nasabing resolusyon isang linggo pagkatapos mailathala ito sa ibat ibang media platforms.

More in National News

Latest News

To Top