National News
AFP Chief of Staff General Romeo Brawner Jr., nag-courtesy visit sa 39 na bagong opisyal ng AFP
Matapos ang panunumpa sa pangulo ng bansa, binati ni Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief of Staff General Romeo Brawner Jr. ang 39 na bagong promote na opisyal ng AFP.
Tinanggap at binati ni General Brawner Jr. ang mga bagong opisyal sa kanilang well-deserved achievements at pagpapatibay sa kanilang pangako na itataguyod ang kapayapaan at seguridad ng bansa.
Sa nasabing bilang ng mga bagong opisyal 20 dito ay mula sa Philippine Army (PA), 9 ang galing sa Philippine Air Force (PAF), 9 sa Philippine Navy (PN) at isa mula sa Chaplain Service.
Sa kanyang talumpati binigyang diin ni General Brawner ang kahalagahan ng leadership, professionalism at integridad sa kanilang tungkulin.