Connect with us

AFP General Brawner, mainit na tinanggap ang Commander-In-Chief ng Royal Thai Navy

AFP General Brawner, mainit na tinanggap ang Commander-In-Chief ng Royal Thai Navy

National News

AFP General Brawner, mainit na tinanggap ang Commander-In-Chief ng Royal Thai Navy

Sa courtesy call ni Royal Thai Navy Commander in Chief Admiral Adoong Pan-lamat mainit itong tinanggap at sinalubong ni AFP Chief of Staff General Romeo Brawner Jr. bilang respeto.

Sa  kanilang pulong pinasalamatan ni General Brawner si Admiral Pan-lam sa patuloy na kooperasyon ng militar ng Royal Thai Navy sa Armed Forces of the Philippines (AFP).

Nagpalitan din ng pananaw ang 2 pinuno sa pagpapalakas sa kanilang kakayahan sa maritime security sa pamamagitan ng mga joint maritime exercises at defense training.

Ang ugnayang militar ng 2 bansa ay nakabatay sa 1997 Philippine-Thailand Memorandum of Understanding on Military Cooperation.

At bilang mga founding members ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) muling pinagtibay ng 2 ang kanilang pangako sa isang Rules-Based International Order upang isulong ang kaunlaran sa rehiyon.

Ang hakbang na ito ay sumasalamin sa pagsisikap ng AFP na palakasin ang kooperasyong pandepensa kasama ang mga bansang may parehong layunin upang mapanatili ang katatagan at kapayapaan sa Timog Silangang Asya.

More in National News

Latest News

To Top