Connect with us

AFP, inaming may pagkukulang kaugnay sa insidente sa MSU

AFP, inaming may pagkukulang kaugnay sa insidente sa MSU

National News

AFP, inaming may pagkukulang kaugnay sa insidente sa MSU

Inamin ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na may pagkukulang sila hinggil sa intelligence kaugnay sa nangyaring bombing sa Mindanao State University (MSU) sa Marawi City.

Ayon kay AFP Spokesperson Colonel Medel Aguilar, kapag may ganitong pangyayari ay madalas na hindi talaga aniya nahahagilap lahat.

Sa tanong na posibleng may accountability ang mga AFP personnel ay sinabi ni Aguilar na iimbestigahan pa nila.

Nauna nang sinabi ni Sen. Bato Dela Rosa ang posibilidad na may pagkukulang sa intelligence hinggil sa insidente.

Ayon sa senador, maaaring may pagkukulang dahil hindi ito na-monitor.

Binigyang-diin lang ni Dela Rosa na unfair rin kung sisihin ang security forces lalo na kung “below the radar”.

Samantala, sinabi ni AFP Chief General Romeo Brawner Jr. na nakatanggap sila ng intelligence information hinggil sa posibleng resbak mula sa Dawlah Islamiyah extremist group dahil nasawi ang ilan sa kanilang mga kasamahan sa isang operasyon noong December 1, 2023.

More in National News

Latest News

To Top