National News
AFP, inilunsad ang Cyber for Peace Initiative sa Bulacan
Inilunsad ng Armed Forces of the Philippines (AFP) sa pamamagitan ng Media and Civil Affairs Group, Civil Relations Service (MCAG, CRSAFP) ang Cyber for Peace Initiative kasabay ang Philanthropic Gift-Giving Event na ginanap sa Brgy. Talbak, Doña Remedios Trinidad, Bulacan.
Sa pakikipagtulungan ng Communications, Electronics, and Information Systems Service, AFP (CEISSAFP), nakinabang sa nasabing aktibidad ang 350 bata mula kindergarten at kasama ang 175 magulang.
Ang nasabing aktibidad ay Pinangunahan ng AFP spokesperson at MCAG Commander Col. Francel Margareth Padilla PA.
Tampok dito ang mga aktibidad na angkop para sa lahat ng edad.
Dumalo ang mga magulang sa mahahalagang seminar sa iba’t ibang paksa, habang nag-enjoy naman ang kanilang mga inihandang palaro.
Nagtayo rin ang MCAG at CEISSAFP ng 1 Cyber for Peace booth na nag-aalok sa mga sibilyan ng teknikal na suporta para sa kanilang mga gadgets at machines, kasama ang basic dental services.
