Regional
AFP, itinalaga ang bagong commander ng EastMinCom
Itinalaga ng Armed Forces of the Philippines si MGen Luis Rex Bergante bilang bagong commander ng Eastern Mindanao Command (EastMinCom), ginanap ang Change of Command ceremony kanina sa Davao City.
Si MGen Bergante ay dating commander ng Training and Doctrine Command ng Philippine Army at marami din ang naging karanasan nito sa kanyang mga naunang command positions katulad nalamang ng pagiging assistant division commander ng 7th Division, commander ng 1001st Infantry Brigade (IB) sa ilalim ng 10th Infantry Division, at iba pa.
Pinalitan nito si MGen Jose Maria Cuerpo II na papalit naman sa isang posisyon matapos na magretiro si LtGen Greg Almerol nitong nakaraang buwan.
Sa kanyang mensahe sinabi ni AFP Chief of Staff Gen. Romeo Brawner Jr. na alam niyang hindi magiging madali ang trabahong iniatas sa bagong commanding general ng EastMinCom ngunit malaki ang tiwala nito kay Bergante na magagampanan nito ang kanyang tungkulin para sa bayan.
