Connect with us

AFP, kinondena ang pagpaslang sa modelong si Yvonne Chua Plaza

AFP, kinondena ang pagpaslang sa modelong si Yvonne Chua Plaza

National News

AFP, kinondena ang pagpaslang sa modelong si Yvonne Chua Plaza

“Dapat managot sa batas.”

Ganito nanindigan si Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief of Staff General Andres Centino matapos na ituro bilang suspek si P sa pagpatay sa modelo at negosyanteng si Yvone Chua Plaza.

Ayon sa binuong Special Task Force Plaza, bukod kay Durante, may 7 iba pang AFP personnel na kasamahan ng nasabing opisyal ang isinasangkot sa nasabing krimen.

Sa panayam kay AFP Chief of Staff General Andres Centino, dapat lang papanagutin sa batas ang sinumang kawani ng Sandatahang Lakas ng Pilipinas (AFP) na masasangkot sa katiwalian.

Sa katunayan, pansamantalang inalis sa pwesto ang naturang mga personnel habang nagpapatuloy ang imbestigasyon sa nasabing insidente.

Nauna nang pinabulaanan ni Durante ang akusasyon kasabay ng panawagan na magkaroon ng hustisya para sa kanyang sinasabing kaibigan.

Aniya, nakaladkad ang kanyang pangalan dahil sa paglabas ng isang lumang post na nagsasabing binugbog si Yvone ng nasabing opisyal.

Matatandaang pinagbabaril nang malapitan si Plaza matapos itong bumaba sa kanyang sasakyan at papasok na sana sa inuupahang bahay sa Purok 18, Buttercup Street ng Green Meadows Subdivision sa Barangay Sto. Niño, Tugbok District, Davao City.

Nauna na ring tiniyak ng Department of Interior and Local Government (DILG) ang kanilang pakikipagtulungan sa pamilya ng biktima kasabay ng pagtitiyak na mapapanagot sa kamay ng batas ang mga kriminal na nasa likod ng pamamaslang.

Continue Reading
You may also like...

More in National News

Latest News

To Top