News
AFP, magsasampa ng 3 kaso laban sa mga NPA na sangkot sa pagkamatay ni Absalon
Magsasampa ng 3 kaso ang Armed Forces of the Philippines (AFP) laban sa miyembro ng New People’s Army (NPA) na sangkot sa kamatayan ng 2 indibidwal na nasabugan ng landmine sa Masbate.
Ayon kay AFP Spokesperson Gen. Edgard Arevalo, nagpapatuloy pa ang imbestigasyon ng awtoridad subalit kinumpirma nito na ang biktima na manlalaro ng football sa Far Eastern University (FEU) na si Kieth Absalon at ang pinsan niyang si Nolven Absalon, ay binaril din sa nasabing insidente.
Ani Arevalo, maaaring kasuhan ang mga salarin ng murder, Violation of the Anti-Terror Law, Violation of Republic Act 9851 o the Philippine Act on Crimes Against International, Humanitarian Law, Genocide, at other Crimes Against Humanity.
Matatandaang una nang inako at humingi ng paumanhin ang npa at Communist Party of the Philippines (CPP) sa pamilya ng biktima kaugnay ng naturang insidente.