Connect with us

AFP, nagtalaga ng bagong Commander ng JTF-NCR

AFP, nagtalaga ng bagong Commander ng JTF-NCR

National News

AFP, nagtalaga ng bagong Commander ng JTF-NCR

Pormal nang itinalaga ng Armed Forces of the Philippines (AFP) si BGen. Eric Macaambac bilang bagong Joint Task Force National Capital Region (JTF-NCR) Commander.

Ang Change of Command ceremony ay ginanap sa Kampo Aguinaldo sa Quezon City at pinangunahan ito ni AFP  Chief of Staff General Romeo Brawner Jr.

Bago ito, si BGen. Macaambac ay nagsilbi bilang 28th Commander ng 1st Marine Brigade ng Philippine Marine Corps (PMC) at naging pinuno rin ng Naval Task Group Central ng Joint Task Force Central ng Western Mindanao Command.

Samantala pinapurihan naman ni General Romeo Brawner Jr. si outgoing Commander Major General Larida sa ipinakita nitong dedikasyon sa serbisyo lalo na ang ambag nito sa JTF-NCR.

More in National News

Latest News

To Top