COVID-19 UPDATES
AFP, nakahanda sa posibleng pagpapalawig ng enhanced community quarantine sa buong bansa
Mananatiling nakahanda ang Armed Forces of the Philippines (AFP) kung sakaling maging nationwide ang ipinatutupad na enhanced community quarantine sa Luzon.
Sa panayam ng SMNI news kay AFP Spokesperson Lt. Col. Ramon Zagala, nilinaw nito na lahat ng AFP units, resources at manpower sa buong bansa ay naka-antabay lang kung sakaling lalaki pa ang saklaw ng enhanced community quarantine.
“Itong mga pangyayari ngayon ay although this is a virus, this is part of the humanitarian assistance. Kasama na po iyan sa mission area namin. So lahat ng units namin nationwide, we dedicate resources, manpower, in order to fulfill this mission area. So, kahit walang virus, we are always ready for humanitarian assistance.”
Nagtalaga naman ng 18 military trucks ang AFP simula kagabi para maging service vehicles ng mga health workers na apektado sa suspensyon ng mass transport.
Samantala, ani Zagala, nananatili pa ring nakatutok ang AFP laban sa mga terorista sa kabila ng pagresponde nito sa nasabing quarantine.
“Di tayo nag-change ng operational tempo. Ang operational tempo natin ‘di nagbago even though meron tayong… ang Metro Manila and part sa Luzon facing a community quarantine, our combat operations and operational tempos continue.”