Connect with us

AFP Officers Ladies Club, naghandog ng kasiyahan sa mga dependent ng AFP officers sa araw ng Kalayaan

AFP Officers Ladies Club, naghandog ng kasiyahan sa mga dependent ng AFP officers sa araw ng Kalayaan

National News

AFP Officers Ladies Club, naghandog ng kasiyahan sa mga dependent ng AFP officers sa araw ng Kalayaan

Pinangunahan ng mga miyembro ng Armed Forces of the Philippines (AFP) Officers Ladies Club Inc. ang handog na kasiyahan sa mga dependent ng AFP officers sa kauna-unahang Indoor Aquapark sa Taguig City kasabay ng pagdiriwang ng araw ng Kalayaan sa bansa.

Nagpasalamat naman ang mga magulang at mismong dependent ng AFP officers sa mga aktibidad na ipinagkaloob ng grupo sa kanila gaya ng swimming, rock climbing, libreng pagkain at laruan para sa kanila.

Ayon kay AFPOLCI Adviser Melody Brawner, ito na ang ika-3 taon na programa ng kanilang grupo bilang pagbibigay pugay sa mga sakripisyong ginagawa ng mga opisyal at personnel ng AFP habang ginagampanan nila ang kanilang tungkulin para sa bayan.

Katuwang ng AFP ang iba pang misis na miyembro ng AFPOLCI mula sa ibat ibang major services gaya ng Philippine Navy, Philippine Air Force at Philippine Army.

Naniniwala ang grupo na sa munting kasiyahan na ito ay mapapawi ang pag aalala ng mga magigiting na opisyal at sundalo ng AFP habang malayo sila sa kani-kanilang mga pamilya.

More in National News

Latest News

To Top