Connect with us

AFP Visayas Command, tumulong sa paglilikas sa mga residenteng malapit sa Kanlaon Volcano

AFP Visayas Command, tumulong sa paglilikas sa mga residenteng malapit sa Kanlaon Volcano

Regional

AFP Visayas Command, tumulong sa paglilikas sa mga residenteng malapit sa Kanlaon Volcano

Aabot sa 945 katao ang inilikas ng 62nd Infantry Batallion sa ilang barangay sa Canlaon City, Bago City, Pontevedra, San Carlos City at La Castellano sa Negros Occidental.

Ang paglilikas sa mga residente ay kasunod ng pag aalburoto ng Kanlaon Volcano sa isla ng Negros.

Ayon sa AFP hinigpitan pa ng kanilang mga tauhan sa Visayas Command ang kanilang ginagawang hakbang sa pagbabantay sa aktibidad ng bulkan.

Ayon kay VISCOM Chief LtGen. Fernando Reyes, nakipag-ugnayan na rin ang kanilang mga tauhan sa ibat-ibang Local Disaster Risk Reduction and Management Council (LDRRMC) sa Western Visayas para tiyakin ang mabilis na pagresponde

Dagdag pa ng opisyal may naka standby pa silang 464 mga tauhan para magsilbing Humanitarian Assistance and Disaster Response Team (HA/DR) sa Western Visayas.

Tinututukan din ng mga sundalo kasama ang lokal na pulisya at DRRMO ang mga bayang sakop ng apat na kilometrong radius permanent danger zone.

Continue Reading
You may also like...

More in Regional

Latest News

To Top