Connect with us

AFP Western Command, kinumpirma ang panghaharass ng barko ng China sa PH Navy ship sa WPS

AFP Western Command, kinumpirma ang panghaharass ng barko ng China sa PH Navy ship sa WPS

National News

AFP Western Command, kinumpirma ang panghaharass ng barko ng China sa PH Navy ship sa WPS

Sa gitna ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) pandemic, muling nakaranas ng pangha-harass ang barko ng Pilipinas mula sa China.

Kinumpirma ng Armed Forces of the Philippines (AFP) Western Command ang panunutok ng radar gun ng Chinese ship sa BRP Conrado Yap sa Rizal Reef detachment sa West Philippine Sea noong February 17, 2020.

Ayon sa AFP WesCom, nagpapatrolya ang BRP Conrado Yap sa palibot ng Malampaya natural gas facility at Kalayaan Group of Islands sa Palawan nang ma-detect ang Chinese ship.

Agad anyang nagpadala ng komunikasyon ang BRP Conrado Yap sa pamamagitan ng radyo pero binalewala ito ng China at iginiit na nasa teritoryo nila ang barko ng Pilipinas.

Matapos nito ay dito na itinutok ang radar gun ng China sa BRP Conrado Yap.

Natukoy ang bow number ng Chinese ship na 514 na isang Corvetter warship.

Ang BRP Conrado Yap ay isang Pohang-class Corvette na pinakamalakas na barkong pandigma ng Philippine Navy sa kasalukuyan.

Kahapon, natanggap ng China ang diplomatic protest ng Department of Foreign Affairs (DFA) kaugnay ng panunutok ng radar gun ng Chinese ship sa BRP Conrado Yap at pagdedeklara ng China sa ilang bahagi ng West Philippine Sea na nasa illaim ng Hainan Province.

Samantala, inatasan naman ni Defense Secretary Delfin Lorenzana ang Philippine Navy na bigyan siya ng detalyadong briefing kaugnay ng insidente.

More in National News

Latest News

To Top