National News
AFP WestMinCom, may bagong pinuno
Pormal nang umupo si Major General Steve Crespillo bilang commander ng Armed Forces of the Philippines (AFP) Western Mindanao Command (WestMinCom).
Pinalitan ni Crespillo si Lieutenant General Roy Galido na bagong commanding general ng Philippine Army (PA).
Ang Change of Command Ceremony ay pinangungunahan ni AFP Chief of Staff General Romeo Brawner Jr. sa headquarters ng AFP WestMinCom sa Camp Navarro, Zamboanga City.
Bago naitalaga sa puwesto, si Crespillo ay nagsilbi bilang vice commander ng Headquarters Philippine Army at pinuno ng Office of the Army Ethical Standards and Public Accountability.
Nagsilbi rin siya bilang commander ng iba’t ibang yunit sa militar.
Si Crespillo ay miyembro ng Philippine Military Academy (PMA) “Bigkis-Lahi” Class of 1990.