Connect with us

African Swine Fever, dahilan ng pagkamatay ng ilang baboy sa ilang lugar sa bansa –DA

African swine fever (ASF)

National News

African Swine Fever, dahilan ng pagkamatay ng ilang baboy sa ilang lugar sa bansa –DA

KINUMPIRMA ng Department of Agriculture (DA) na African Swine Fever ang naging dahilan ng pagkamatay ng ilang baboy sa ilang lugar sa bansa.

Sa pulong balitaan, sinabi ni Agriculture Secretary William Dar na labing apat sa dalawampung blood samples na ipinadala sa United Kingdom ay nagpositibo sa African Swine Fever.

Gayunman, nilinaw ni Dar na napigilan ang pagkalat ng naturang sakit batay sa pinakahuli nilang pagsusuri.

Kabilang aniya sa apektado ng ASF ang mga Barangay San Jose, Macabud, San Isidro, San Rafael, Mascap sa Rodriquez, Rizal; Cupang sa Antipolo, Rizal at Guiguinto, Bulacan kung saan 7,416 na baboy ang pinatay.

Ayon kay Dar, bibigyan ng livelihood assistance ang mga naapektuhang hog raisers lalo na sa mga “backyard pig raiser” upang makapagsimula muli ang mga ito.

Sinabi ni Dar na ang African Swine Fever na nakakaapekto sa mga local pig raisers ay posibleng sanhi ng dumi mula sa mga hotel o restaurants o mga OFW na nagdadala ng mga produktong baboy mula sa mga bansa na may naiulat na mga kaso.

Sa kabila nito, iginiit ng kalihim na ligtas kainin ang mga karneng baboy sa bansa pero dapat aniyang i-report ng mga hog raiser ang anumang hog diseases.

Samantala, sinabi ni Dar na bubuo ang gabinete ng isang National Task Force on Swine Disease na pangungunahan ng DA.

DZAR 1026

More in National News

Latest News

To Top