Connect with us

Agarang deportation kay dating Cong. Teves, hiniling ng DOJ

Agarang deportation kay dating Cong. Teves, hiniling ng DOJ

National News

Agarang deportation kay dating Cong. Teves, hiniling ng DOJ

Umaapela at nananawagan na ang Department of Justice (DOJ) sa mga opisyal ng Timor Leste na ipatupad na sa lalong madaling panahon ang extradition o deportation para maibalik na dito sa Pilipinas si dating Congressman Arnolfo Teves, Jr. na naaresto sa naturang bansa.

Nais ng DOJ na maibalik dito sa Pilipinas si Teves Jr. dahil nakatanggap sila ng mga impormasyon na sinusuhulan ng anak ni Teves, Jr. ang isang miyembro ng Criminal Investigation Police sa Timor Leste para pagkalooban ng special treatment ang ama na dating kongresista.

Batay sa ulat ay $2-K o katumbas ng halos P114-K ang inialok para mabigyan ng security si Teves habang nakadetine sa Becora Prison sa naturang bansa.

Si Teves ay kasalukuyan pa ring nakadetine sa Becora Prison sa Timor Leste makaraan siyang maaresto nitong nakalipas na Marso dahil wanted sa kasong pagpatay, corruption, assassination, at umano’y pagkakasangkot sa terorismo.

 

More in National News

Latest News

To Top