Connect with us

Agri groups sa ikatlong SONA ni PBBM: Hindi naging prayoridad kailanman ng pangulo ang sektor ng agrikultura

Agri groups sa ikatlong SONA ni PBBM: Hindi naging prayoridad kailanman ng pangulo ang sektor ng agrikultura

National News

Agri groups sa ikatlong SONA ni PBBM: Hindi naging prayoridad kailanman ng pangulo ang sektor ng agrikultura

Pagod nang makinig ang mga nasa sektor ng agrikultura sa sasabihing kasinungalingan ni Pangulong Bongbong Marcos sa kanyang ikatlong State of the Nation Address (SONA) araw ng Lunes, Hulyo 22.

Kasunod ito sa mga hindi natupad ng pangulo noong kampanya gaya ng pagpapababa sa presyo ng bilihin kabilang na ang bigas at pagpapalago sa sektor.

Sa isinagawang PEOPLE’S SONA sa Liwasang Bonifacio nitong Sabado ng Hulyo 20, lakas loob nagsalita ang grupo ng magsasaka at mangingisda sa totoong estado ng kanilang pamumuhay sa ilalim ng administrasyong Marcos.

Una na riyan ang magsasakang si Ernesto Cabigting, tagapagsalita ng agri-farmers groups kung saan hindi nila ramdam ang suporta ng gobyerno.

“Tumayo ako rito upang ipaabot ang aming mga karihingan at aming saloobin at nararamdaman. Nasaan ang bilyun-bilyong ginagastos ng ating pamahalaan, mga istraktura na hindi ginagamit pero kung ito ay binigay sa ating sektor ay hindi na natin kailangan umangkat ng ating mga pagkain sa araw-araw. Ang aming sektor ay maliwanag na nabiktima,” ayon kay Cabigting.

Iginiit niya, nasaan na ang pondo para sa irigasyon na makatutulong sa kanilang pagtatanim.

Mga malawak na sakahang hindi napapakinabangan aniya dahil ginagawang subdivisions ng mga gahamang politiko.

Malasakit center lamang ang naging sandigan nila upang mabayaran ang utang sa ospital dahil hindi naman naging prayoridad ni Marcos ang kalusugan ng nasa sektor.

“Kami ay walang SSS at wala ring GSIS, wala kaming benepisyo sa gobyerno. Pag kami ang na-ospital, pumipila kami sa Malasakit center para mabayaran ang aming pagkaka-utang doon sa ospital. Nasaan, kami ay mamamayan na lumilikha ng pagkain sa araw-araw pero hindi ata kami nakikita ng ating pamahalaan,” dagdag pa nito.

Ang sektor ng pangisdaan ay hindi rin malayang nakakapangisda sa Bajo de Masinloc sa Scarborough Shoal simulan nang maupo sa puwesto si Marcos.

Apektado na ng sigalot ng Pilipinas at Tsina ang kanilang hanapbuhay.

Noong si Duterte pa ang nakaupo maniwala kayo sa hindi, sa labas o loob ng lagoon o sa labas ng Scarborough ay paikot-ikot kami diyan nangingisda welcome kami kasi kaibigan namin ang China.

Dahil sa walang humpay na pagsirit sa presyo ng bilihin hirap na silang pagkasyahin ang perang kinikita sa pangingisda.

Iba pa riyan ang napaka-taas na presyo ng produktong petrolyo.

“Ngayon, bumisita sa amin ang mga politiko tiningnan ang aming sitwasyon, ngayon hindi na kami nakakasabay sa mga bilihin. Nasaan ang P20 na kilo ng bigas! Diba, wala? Pero, ngayon wala na talaga ang P20 dahil P60,” saad naman ni Fisherfolks Group from Zambales, President, Anthony Collado.

Ayon sa kanila, hanggang kailan sila magtitiis sa baluktot na gobyerno.

Kaya, panawagan nila kay Marcos bigyang halaga ang sektor ng agrikultura na sinasabing unang prayoridad ng kanyang administrasyon.

More in National News

Latest News

To Top