Connect with us

Air Asia, kanselado na rin ang mga biyahe sa pagitan ng Pilipinas at Taiwan dahil sa 2019 nCoV

Tumanggi munang magbigay ng pahayag ang mga opisyal ng Air Asia hinggil sa mga pasahero nito na isinugod sa Research Institute for Tropical Medicine (RITM) sa Muntinlupa City matapos makaranas ng sintomas ng 2019-novel coronavirus.

National News

Air Asia, kanselado na rin ang mga biyahe sa pagitan ng Pilipinas at Taiwan dahil sa 2019 nCoV

Kanselado na rin ang 18 flights ng Air Asia sa pagitan ng Pilipinas at Taiwan kasunod na rin sa direktiba ng Philippine government hinggil sa ikinababahalang pagkalat ng sa bansa (2019 nCoV-ARD).

Ayon sa Air Asia simula ngayong araw, Pebrero 11 hanggang Marso 29 ay ikinansela na ang mga biyahe nito patungo at pabalik ng Manila-Taipei , Manila-Kaosiung, Clark-Kaohsiung, Cebu-Taipei, Cebu-Kaohsiung, Kalibo -Taipei at Clark-Taipei.

Maaari naman i-rebook ng mga apektadong pasahero ang kanilang biyahe sa parehong ruta sa loob ng 30 araw mula sa orihinal na flight schedule na walang additional cost na babayaran.

Mananatili namang ang halaga ng pamasahe sa kanilang Air Asia Big Loyalty account para sa kanilang biyahe sa Air Asia o maaari din naman i-full refund mula sa original na binayaran sa tiket.

Bukod sa Air Asia nag anunsiyo na rin ang PAL at Cebu Pacific ng pagkansela ng balikang biyahe sa pagitan ng Pilipinas at Taiwan.

More in National News

Latest News

To Top