Connect with us

AKAP program ng DSWD, kinuwestiyon sa Senado

Programa ng DSWD, hindi dumaan sa Senado

National News

AKAP program ng DSWD, kinuwestiyon sa Senado

“Do we a lot sums of money, enormous sums of money such as this, 27 billion for a project or program that is undefined, unnamed, unfamiliar with no guidelines whatsoever with no target beneficiaries and just left open is this the usual practice of the DSWD?” ayon kay Committee on Electoral Reforms, Chair, Sen. Imee Marcos.

Kinuwestiyon sa Senado ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) assistance program na kilala sa tawag na Ayuda sa Kapos ang Kita (AKAP).

Ayon kay Senadora Imee Marcos, ni minsan ay di niya narinig ang nasabing programa sa mga pagdinig sa Senado.

Si Imee ang chairperson ng Committee on Social Justice, Welfare, and Rural Development na siyang oversight committee at nagdedepensa sa taunang budget ng nasabing ahensya ng gobyerno.

Sa pagdinig ng Senado sa umano’y suhulan sa people’s initiative (PI) na nagkakampanya ng Charter Change (Cha-Cha), ipinagtataka ng senadora kung bakit may malaking alokasyon sa badyet ang AKAP.

“Gusto ko lang humirit. Nagulat din ako sa AKAP at mas lalo akong nagulat sa halaga, P26.7 billion. Isang programang ngayon ko lang natuklasan at ngayon lang narinig pero may bilin sa text, all soft projects including AKAP must go through the Office of the Speaker,” saad pa ng senadora.

Si Marcos ang unang nagbunyag na P20-M ang inaalok sa bawat congressional district na makakakapagbigay ng malaking bilang ng lagda para sa PI.

Ang pera ay kukunin aniya mula sa assistance programs ng DSWD, Department of Health (DOH) at Department of Labor and Employment (DOLE).

Ang AKAP ay isang social program ng pamahalaan sa ilalim ng DSWD na nagbibigay ng one-time P5-K financial assistance sa mga mahihirap na sumasahod ng mas mababa sa P23-K.

Kinuwestiyon din ni Senador JV Ejercito si DSWD Undersecretary Fatima Aliah Dimaporo tungkol sa layunin at implementasyon ng AKAP.

“Ako rin medyo naging curious doon sa AKAP na ngayon ko lang narinig, ‘no. Siguro, can I ask the DSWD what is this program about? Is it just between the House and the [DSWD] kasi wala ho kami sa Senate na alam niyan. So, is it with DSWD and House of Representatives, ‘yung program na ‘yon?” ayon naman kay Sen. JV Ejercito.

Maging si Usec. Dimaporo ay inamin rin na hindi siya pamilyar sa AKAP at kulang ng guidelines bukod sa hindi ito isang regular na programa.

More in National News

Latest News

To Top