Connect with us

Aksyon sa African Swine Fever, ipinauubaya sa Department of Agriculture

African Swine Fever

National News

Aksyon sa African Swine Fever, ipinauubaya sa Department of Agriculture

GINAGAWA na ng Department of Agriculture ang lahat ng paraan para mapangalagaan ang kaligtasan ng publiko sa pagkain ng karne ng baboy.

Ito ang tiniyak ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo matapos makumpirma ng DA na positibo sa African Swine Flu ang mga baboy na namatay sa lalawigan ng Rizal matapos matanggap ang resulta ng laboratory test sa United Kingdom.

Ani Panelo para sa katiyakan ng lahat na ligtas kumain ng karne ng baboy ay maiging hintayin na muna ang ilalabas na paalalang Department of Agriculture hinggil dito.

Aminado si Panelo na sa ngayon, ang pinakaresonableng dapat gawin ay iwasan munang kumain ng karne ng baboy habang inaantabayan ang payo ng DA at Department of Health.

Gayunpaman, naniniwala si Panelo na hindi ilalagay ng DA sa masamang posisyon ang kalusugan ng publiko hinggil sa kinatatakutang African Swine Fever.

HANNAH JANE SANCHO

More in National News

Latest News

To Top