Connect with us

Aktibidad ni Pang. Duterte sa labas ng Malakanyang, limitado pa rin

Nananatiling limitado ang mga aktibidad na dinadaluhan ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa labas ng Malakanyang.

National News

Aktibidad ni Pang. Duterte sa labas ng Malakanyang, limitado pa rin

Nananatiling limitado ang mga aktibidad na dinadaluhan ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa labas ng Malakanyang.

Sa isang pulong balitaan, sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque na consistent ang pattern ng galaw ng punong ehekutibo kung saan nananatili lamang ito sa Malakanyang o sa Davao City kapag wala itong extraordinary affairs.

Ang pahayag ay sa harap na naitalang local case ng COVID-19 Delta variant sa Pilipinas.

Sambit ni Roque, nakadepende pa rin ang mga lakad ni Pangulong Duterte sa lugar na kanyang pupuntahan at sa kahalagahan ng event na kanyang lalahukan.

Samantala, mananatili namang limitado ang bilang ng mga indibidwal na papayagang dumalo sa gaganaping huling State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Duterte sa darating na Hulyo 26 na gagawin sa Mababang Kapulungan ng Kongreso.

Sinabi ni Roque na posibleng kapareho lang noong nakalipas na SONA, ang bilang ng mga maaaring dadalo sa nakatakda namang SONA ngayong taon.

Upang matiyak ang kaligtasan ng lahat, pinaplano ng Kamara na pawang mga fully vaccinated lamang ang papayagang makadalo sa huling SONA.

 

More in National News

Latest News

To Top