Showbiz
Aktor na si Christopher de Leon, nagpositibo sa COVID-19
Kinumpirma ng aktor na si Christopher de Leon na nagpositibo ito sa Coronavirus Disease 2019 (COVID-19).
Ayon sa aktor wala siyang travel history at wala rin itong matandaan na nakahalubilo na kontaminado ng virus.
Ngunit dahil sa kanyang trabaho, sinabi nito na marami itong nakakasalamuha.
Dahil dito, hiniling ng aktor sa lahat ng kanyang nakahalubilo simula noong nakaraang linggo na mag-self-quarantine at sundin ang mga paalala ng Department of Healht (DOH).
Sa ngayon, sumasailalim na ang kanyang asawa, anak at mga kasambahay sa self-quarantine.