National News
Albay, Camarines Sur at Sorsogon isinailalim sa state of calamity
ISINAILALIM na sa state of calamity ang lalawigan ng Albay, Camarines Sur at Sorsogon sa Bicol Region.
Gayundin ang Bayan ng Baco, Oriental Mindoro dahil sa mga pagbaha at landslide dulot ng Bagyong Usman.
Nagdulot din ang bagyo ng pagkawasak ng mga imprastraktura, agrikultura at mga kabahayan partikular na sa Bicol Region.
Ayon kay Cedric Daep, Albay Public Safety and Emergency Management Office, sa pamamagitan ng state of calamity ay magagamit nila ang calamity fund.
Upang mabigyang tulong ang mga pamilyang grabeng naapektuhan ng bagyo.
Sa ngayon ay nangangailangan ng ‘potable water’ o malinis na maiinom na tubig ang mga pamilyang matinding sinalanta ng ng Bagyong Usman.