Regional
Albay, nakapagtala ng mahigit 500 suspected cases ng hand, foot and mouth disease
Pumalo na sa mahigit 500 suspected cases ng hand, foot and mouth disease (HFMD) ang naitala sa 10 bayan at 2 lungsod sa probinsya ng Albay.
Batay sa ulat ng Provincial Epidemiology Surveillance Units, karamihan sa 541 suspected HFMD cases ay mga batang edad 1 hanggang 10-taong gulang.
Naitala ang mga kaso sa loob lamang ng 10 araw, mula Nobyembre 15 – Nobyembre 25.
Pinakamaraming naitalang kaso sa bayan ng Oas na may 162 cases sumunod ang Legazpi City na may 79 cases at Guinobatan na may 73.
Sa ngayon ay walang pang kumpirmadong kaso ng sakit dahil hindi pa tapos ang laboratory tests ngunit pinapayuhan ang mga infected na manatili sa kanilang bahay at pinapayagan na dumalo sa kanilang klase online.