Connect with us

Alegasyon na maraming bank accounts si Rodriquez, dapat paimbestigahan – analyst

Alegasyon na maraming bank accounts si former ES Rodriquez, dapat paimbestigahan – analyst

National News

Alegasyon na maraming bank accounts si Rodriquez, dapat paimbestigahan – analyst

Dapat paimbestigahan ni Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. ang alegasyon tungkol sa maraming bank accounts ni former Executive Secretary Vic Rodriguez.

Ito ang inihayag ng political analyst na si Ado Paglinawan sa panayam ng Sonshine Radio.

Ani Paglinawan, mas mainam na ngayon pa lang ay imbestigahan na ito bago pa tuluyang maging presidential chief of staff si Rodriguez.

“As of July 2022, this couple will trigger so this why allegedly reportedly have 29 bank accounts and 40 bank accounts worldwide. Saan-saan ‘yan sa Citibank dolyar, sa Hongkong, Shanghai bank, euros. Hongkong, Shanghai bank. Dubai, dirhams, commercial bank of Dubai. Dapat imbestigaham muna ng pangulo ito bago niya pirmahan,” ani Pangilinan.

No description available.

Giit ni Paglinawan, dapat mapatunayan kaagad ang naturang alegasyon upang hindi maapektuhan ang pangulo.

Aniya pa, dapat itong magsilbing babala kay Pangulong Marcos Jr.

Sinabi pa ni Paglinawan na noon pa lang ay nakita na niya kung anong klaseng tao si Rodriguez ngunit ‘di lang aniya siya nagsalita laban dito.

‘Yun na nga ang motivation dito, hindi yung ulitin ‘yung mga megatory report yun. No! but ang pattern of corruption of power na ngayon ay nag-i-introduce na si Ramon Tulfo na maaaring mag-aggravate into a corruption involving money, pera naku. Ay napakaaga naman para dito sa mga ganito,” dagdag pa nito.

Nilinaw naman ni Pagdilawan na hindi siya dilawan dahil isa siya sa sumuporta kay Pangulong Marcos Jr. noong eleksyon.

More in National News

Latest News

To Top