Connect with us

Alegasyon ng mga sumusuporta sa gunman sa nangyaring pamamaril sa Ateneo, itinanggi ni Belgica

Alegasyon ng mg mga sumusuporta sa gunman sa nangyaring shooting incident sa Ateneo, itinanggi ni dating PACC Chair Belgica

National News

Alegasyon ng mga sumusuporta sa gunman sa nangyaring pamamaril sa Ateneo, itinanggi ni Belgica

Tiniyak ni dating Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) na si Mr. Greco Belgica na wala siyang kinalaman sa kaso nang pamamaril ng isang doktor na nakilalang si Chao-Tiao Yumol sa dating alkalde ng lamitan na si Rose Furigay.

Ito ang inihayag ni Belgica sa panayam ng Sonshine Radio matapos magpasaring si Maharlika na isang vlogger na dapat kasali siya sa dapat na imbestigahan.

Maliwanag rin aniya na ang kanilang mandato na nakasaad sa E.O 43 na ang maaring imbestigahan ng PACC ay mga presidential appointees lamang na may salary grade 26 pataas tulad ng mga regional director, assistant secretary, undersecretary at secretary.

Hindi kasama dito ang mga halal ng bayan tulad ng mga mayor at iba pang lokal na opisyal ng gobyerno.

Ngunit dahil sa tawag ng tungkulin at kagustuhang makapagbigay ng serbisyo sa publiko, kanilang tinanggap ang reklamong inilapit ni Doctor Yumol.

Sinabi rin aniya mismo ni Yumol na inilapit na rin niya ang nasabing reklamo sa mga ahensya ng gobyerno tulad ng Civil Service Commission, DILG, Ombudsman, PNP at NBI pero wala umanong pumansin sa kanya.

Ani Belgica, ang mga nag-aakusa sa kanya na may kinalaman siya sa insidente nang pamamaril ay talagang malapit sa suspek at gustong paki-alaman ang kaso ni Yumol ngunit hindi pinayagan ng PACC.

Wala rin aniyang basehan ang mga pasaring na ito at pawang mga chismis lamang.

Sa ngayon, nagpaabot nang pakikiramay si Belgica sa mga naiwang pamilya ng mga biktima nang Ateneo De Manila shooting.

Continue Reading
You may also like...

More in National News

Latest News

To Top