National News
Alegasyong EJK sa Duterte admin, hinahanapan ng matibay na ebidensiya ng DILG
Sa limang araw na pag-upo ng bagong Department of the Interior and Local Government o DILG chief Junvic Remulla, kaliwa’t kanang isyu ang agad ang hinarap nito.
Isa na rito ang mainit na usapin tungkol sa alegasyong extra judicial killing habang isinasagawa ang drug war campaign sa ilalim ng Duterte Administration.
Naging sentro nga sa pagdinig ng quad committee sa Kamara ang paratang ng isang dating PNP official at former PCSO Chair Royina Garma na nagsasangkot kay dating Pangulong Rodrigo Duterte at ilang matataas na opisyal ng PNP sa pagkamatay ng mga indibidwal na sangkot sa paggamit, pagbebenta at malawakang kalakalan ng iligal na droga sa bansa
Pero para kay DILG chief Remulla, ang mga isinasangkot na personalidad o grupo ay nananatiling inosente sa alegasyong ito hanggat walang nai-presentang matibay na ebidensiya laban sa kanila
“We have to understand that they are innocent until proven guilty. So, we must not judge them already according to testimony. They have to go through the process.”
“You have to understand that any testimony given in Congress is done under oath so that takes the form already of a direct testimony and can be used by the police as an initial point of investigation and to file charges, but we must caution you that we will wait until the final report is over before all actions are done.”
Gayunpaman, tuloy pa rin ang kanilang pakikipag-ugnayan sa mga ahensiya ng pamahalaan para kumalap ng mga testimonya na tatayo mula sa mga alegasyon sa umano’y sa drug war campaign ng pamahalaan.
Saad ng DILG sec., “Well, I think we have to wait until the full revelations are announced.
I think pretty soon there will be corroborative testimonies that will abound. I think with their testimonies some of the cold cases will be opened but again.
Let us wait until the final hearing and final recommendations of the quadcom are done and then subsequent actions will be taken but take it to light several cold cases are now being reopened but in advance of what she said, that is a developing matter which we have to wait until the full testimonies are given.”
Samantala, sang-ayon naman ang PNP sa pahayag ng DILG na pag-aralan muna ang kanilang magiging hakbang laban sa mga isinasangkot sa testimonya ni Garma depende sa ilalabas na rekomendasyon ng Kongreso hinggil sa umanoy EJK issue sa nakaraang administrasyon.
Habang bukas din ang PNP para sa mga dating pinuno at opisyal nito para magpaliwanag sa partisipasyon nila sa war on drugs ng pamahalaan
Ayon kay PNP chief Rommel Francisco Marbil, “On our part meron na kaming committee to really investigate all the allegations being made by Col. Garma regarding doon sa EJK and other matters.
So, we are just waiting po. So tuloy tuloy yung investigation natin and we have to present doon sa sabi nga ng ating SILG we have to wait for the full ng quad committee doon sa kanilang imbestigasyon but what we are doing right now is to really get more the information so by that time na kailangan ng quadcom yung talagang resulta ng pulis natin we can easily give to them.”
Magugunitang, sinabi na noon ng PNP na nakahanda ang kanilang mga dokumento para panindigan ang mga operasyon nito sa ilalim ng drug war campaign ng dating administrasyon.
Sa gitna ito ng tangkang pagpasok ng ICC sa Pilipinas hinggil sa isyu ng umano’y paglabag sa karapatang pantao sa kampanya laban sa iligal na droga.
Ngunit hanggang ngayon, ‘di pa rin umuusad ang imbestigasyon ng ICC sa bansa.
‘Di makakaila na sa ilalim ng Duterte administration halos nalinis nito ang bawat sulok ng Pilipinas sa isyu ng paggamit, pagbebenta at iba pang may kaugnayan sa paggamit ng iligal na droga na siya namang naging tatak ng kanyang panunungkulan sa loob ng maiksing panahon lamang.