Connect with us

Alert level 1 sa bagong taon, posible ayon sa DOF

Alert level sa bansa, ‘di na kailangang ibaba kasunod ng pagbabalik ng 80% pre-pandemic customers - DTI

National News

Alert level 1 sa bagong taon, posible ayon sa DOF

Inaasahan ng economic managers na ibababa sa pinaka maluwag na alert level satus ang bansa simula sa bagong taon ayon sa isang opisyal ng Department of Finance (DOF).

Ayon kay Finance Secretary Carlo G. Dominguez, ang patuloy na pagbaba ng bilang ng kaso ng COVID-19 ay nakapagbibigay ng pag-asa sa sektor ng ekonomiya na ligtas na maibababa sa alert level 1 ang bansa sa simula ng taong 2022.

Sinabi ng independent research group na OCTA na ang sitwasyon ng COVID-19 sa Pilipinas ay patuloy na bumubuti at may reproduction number na lamang na 0.42 at positivity rate na 4%.

Dagdag ng OCTA, base sa mga trend na ito, ang mga bagong kaso ay maaaring bumaba sa 500 bago matapos ang taon.

Saad pa ni Dominguez, dahil sa pagdating ng sapat na suplay ng bakuna at agresibong COVID-19 inoculation program ng pamahalaan.

Mas marami na ang makababalik sa trabaho, pwede nang magpatuloy sa operasyon ang mga negosyo at tuluyan nang bumababa ang bilang ng impeksyon sa bansa.

Sa ilalim ng alert level 1, lahat ng negosyo ay maaari nang mag-operate sa full capacity nito habang sinusunod ang public health standard.

 

 

More in National News

Latest News

To Top