Regional
Alert level 2, nakataas pa rin sa Bulkang Taal
Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS), nagpapatuloy pa rin ang magmatic acitivity at paglalabas ng usok ng bulkan matapos itong sumabog noong Enero 12.
Kahapon ay nakapagtala ang PHIVOLCS ng 45 volcanic earthquakes kung saan dalawa rito ay naramdaman sa bayan ng Agoncillo sa Batangas.
Nasa 50 hanggang 100 metro naman ang taas ng inilalabas na usok o singaw ng bulkan.
Patuloy ding pinaaalalahan ng PHIVOLCS ang mga residente na malapit sa bulkan na posible pa rin itong makapagtala ng phreatic explosions, volcanic earthquakes, at volcanic gas expulsions.
Mahigpit namang pinagbabawalan ang publiko na pumasok sa permanent danger zone ng Bulkang Taal.