National News
Alerto sa Bulkang Taal, ibinaba na sa alert level 2
Ibinaba na ng PHIVOLCS sa alert level 2 mula sa alert level 3 ang status sa Bulkang Taal.
Batay sa 8 am bulletin ng PHIVOLCS, simula Enero 26, 2020 ay nakapagtala na lamang ng mas kaunting volcanic earthquake activity sa bulkan at humina na rin ang naitatalang gas emissions mula sa main crater nito.
Sa kabila ng pagbaba ng alerto, nag-abiso ang phivolcs na nanatili pa ring off-limits ang Taal Volcano Island na itinuturing na permanent danger zone.
Dagdag ng PHIVOLCS na bagaman nabawasan na ang mga aktibidad sa pag-aalburuto ng Taal ay hindi nangangahulugan na nawala na ang banta nito.
Nananatili rin ang posibilidad na itaas muli ang alert level sa sandaling magkaroon ng indikasyon sa posibleng pagkakaroon ng pagsabog.
Pinapayuhan naman ng PHIVOLCS ang local government units na i-assess ang sitwasyon sa kanilang mga kinasasakupan lalo na ang mga nasa loob ng 7km radius.
