Regional
Alerto sa Bulkang Taal, ibinaba na sa level 1
Ibinaba na ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) sa level 1 ang alerto sa Bulkang Taal.
Ito ay matapos magpakita ng low-level volcanic activity at weak suface activity ang Taal sa main crater nito, 1 buwan matapos ibaba ito sa alert level 2.
Paalala ng PHIVOLCS sa publiko, sa ilalim ng alert level 1 ay maaari pa rin maganap ang biglaang pagbuga ng steam o phreatic explosions, volcanic earthquakes, manipis na ashfall at pag-ipon o pagbuga ng mga nakakalasong gas sa kapaligiran ng Taal Volcano Island (TVI).
Dahil dito, mahigpit pa ring ipinagbabawal ng PHIVOLCS ang pagpasok sa TVI, ang permanent danger zone ng bulkan, lalong lano na sa palibot at loob ng main crater at ng daang Kastilla Fissure.
Matatandaan na noong Enero 12 nang pumutok ang bulkan na dahilan ng paglikas ng libu-libong residente na nasa palibot nito.