Sports
Alex Eala, nanguna sa PSA monthly achievers ngayong Marso
Nanguna si Pinay tennis player Alex Eala sa monthly achievers ng Philippine Sportswriters Association (PSA) para sa buwan ng Marso.
Kasunod ito ng kanyang pagkapanalo laban sa top seeds ng Women’s Tennis Association (WTA).
Halimbawa na rito sina Madison Keys na No. 5 sa WTA at Iga Swiatek na No. 2.
Kung iisipin, bilang wildcard lang ang pagpasok ni Eala sa WTA1000 Miami Open, ngunit nakaabot na siya sa semifinal round.
Bagamat natalo na sa semifinal round, siya lang ang natatanging Pinay na nakapasok sa Top 100 sa WTA rankings dahil kasalukuyan na siyang nasa No. 75 dahil sa kanyang mga panalo sa 2025 WTA Miami Open.
