Sports
Alex Eala, natalo ni Iga Swiatek sa 2025 Madrid Open
Nanalo na laban kay Pinay tennis player Alex Eala ang world no. 2 na si Iga Swiatek sa iskor na 4-6, 6-4, 6-2 sa round of 64 ng 2025 Madrid Open.
Mapapansin na sa katatapos lang na 2025 Miami Open ay natalo ni Eala si Swiatek.
Kahit naman natalo ay kapuri-puri parin ang ipinakitang laro ni Eala.
Pinatunayan ng pinay na kaya niyang tapatan ang isang mahusay na tennis player gaya ng Swiatek.
Samantala, inaasahang sasali si Eala sa 2025 Italian Open bago magtungo sa Roland Garros o French Open para sa kanyang unang grand slam appearance bilang non-wildcard.
